Beermen, Mixers wagi: Texters sasagupain ang Gin Kings ngayon

MANILA, Philippines - Nilimita ng San Mi­guel Beer ang Barako Bull sa dalawang fieldgoals sa loob ng anim na mi­nuto sa final canto para kunin ang 106-100 panalo para sa kanilang ikaapat na pananalasa sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Kumolekta si import Kevin Jones ng 28 points, 18 rebounds at 5 assists para pangunahan ang ika­la­wang sunod na panalo ng Beermen.

Nagdagdag naman si Marcio Lassiter ng 19 points, tampok dito ang 5-of-9 shooting sa three-point range, kasunod ang 16 ni Arwind Santos at 15 ni June Mar Fajardo.

Nagtala si guard Paolo Hubalde ng 13 points sa loob lamang ng 14 minuto mula sa bench.

Matapos kunin ng Ener­gy Cola ang 87-83 abante sa pagsisimula ng fourth quarter ay nagpaka­wala naman ang Beermen ng isang 14-6 atake sa huling anim na minuto ng laro.

“I thought we shot the ball really well to start the game but those things tend to even things out over a period of time. So when the shots stop fal­ling, you have to prioritize your defense,” sabi ni American assistant coach Todd Purves.

Nauna nang tinapos ng San Miguel ang first period bitbit ang isang 10-point lead, 29-19, bago naagaw ng Barako Bull ang unahan sa 31-29.

Binanderahan ni import Josh Dollard ang Energy Cola sa kanyang game-high na 46 points at humaltak ng 15 rebounds.

Nag-ambag naman si Mick Pennisi ng 16 points kasunod ang tig-11 nina guard Jeric Fortuna at Ronjay Buenafe.

Sa ikalawang laro, dumiretso ang San Mig Coffee sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos talunin ang Rain or Shine, 91-74.

Pinangunahan ni reinforcement James Mays ang balanseng atake ng Mixers mula sa kanyang 18 points kasunod ang 16 ni PJ Simon at 10 ni Marc Pingris.

Ikinatuwa ni mentor Tim Cone ang pagtutulu­ngan ng San Mig Coffee.

“We had little of every­­thing going for us to­­day,” wika ni Cone. “We played good defense and we control the boards. we po­wered them inside. PJ (Simon) was ma­king shots, James (Mays) was ma­king three (point shots), Joe (Devance) was ma­­king baskets. Everybo­dy was contributing a lot.”

Mula sa 45-37 abante sa first half ay pinalaki ng Mixers ang kanilang kalamangan sa Elasto Painters sa 70-49 sa dulo ng third period.

Ipinoste ng San Mig Coffee ang isang 27-point advantage, 79-52, kontra sa Rain or Shine mula sa split ni rookie center Ian Sangalang sa 9:02 ng fourth quarter.

At mula dito ay hindi na nilingon ng Mixers ang Elasto Painters.

Binanderahan ni import Alex McLean ang Rain or Shine sa kanyang 18 markers, habang nagdagdag ng 12 si Paul Lee kasunod ang 9 ni Gabe Norwood.

SAN MIGUEL BEER 106 -- Jones 28, Lassiter 19, Santos 16, Fajardo 15, Hubalde 13, Mercado 7, Ross 3, Kramer 2, Maierhofer 0, Tubid 0.

Barako Bull 100 -- Dollard 46, Pennisi 16, Fortuna 11, Buenafe 11, Wilson 6, Lastimosa 4, Isip 2, Peña 2, Miranda 2, Jensen 0, Miller 0, Marcelo 0, Intal 0.

Quarterscores: 29-19; 51-43; 81-74; 106-100.

SAN MIG COFFEE 91 -- Mays 18, Simon 16, Pingris 10, Sangalang 9, Yap 9, Devance 7, Mallari 7, Barroca 5, Reavis 3, Melton 3, Gaco 2, Holstein 2, Acuña 0, Cawaling 0.

Rain or Shine 74 -- McLean 18, Lee 12, Norwood 9, Chan 7, Teng 7, Uyloan 6, Almazan 5, Rod­riguez 4, Belga 2, Cruz 2, Tiu 2, Tang 0, Nuyles 0, Ibañes 0.

Quarterscores: 28-19; 45-37; 70-51; 91-74.

Show comments