MANILA, Philippines - Nagbago ng husto ang mukha ng NBA Power Rankings ng Yahoo Sports. Nabalasa ang puwestuhan at nasa unahan na ngayon ang San Antonio.
1. San Antonio Spurs (47-16; ranking nila last week: 5): Bumalik ang Spurs sa No. 1 matapos ang pitong sunod na panalo at 10 sa huling 11 games. Ang San Antonio na ngayon ang nagmamay-ari ng top record sa NBA.
2. Houston Rockets (44-20; ranking nila last week: 4): Nanalo ang Houston ng limang sunod na laro ngunit natalo sila sa Oklahoma City nitong Martes.
3. Los Angeles Clippers (45-20; ranking nila last week: 6): Ang Clippers ay nanalo ng season-high na pitong sunod na laro. Umiskor ang Los Angeles ng mahigit sa100 points sa 20 sunod na laro.
4. Oklahoma City Thunder (47-17; ranking nila last week: 3): Nalaglag ang Thunder sa ikalawang puwesto sa West matapos ang supresang pagkatalo sa Lakers noong Linggo. Ang Oklahoma ay 6-5 sa kanilang huling 11-games.
5. Indiana Pacers (47-17; last week’s ranking: 1): Nakalasap ang Indiana ng season-high na apat na sunod na pagkatalo bago nanalo sa Boston nitong Martes. Susunod nilang makakaharap ng Pacers, Philadelphia (dalawang beses), Detroit at New York.
6. Miami Heat (44-17; ranking nila last week: 2): Natala ang Heat ng tatlong sunod na kabiguan at 10-9 sa kanilang road game laban sa East teams.
7. Golden State Warriors (41-24; ranking nila last week: 8): May problema si All-Star guard Stephen Curry sa kanyang right quad injury. Malaking tulong si Steve Blake.
8. Portland Trail Blazers (42-22; ranking nila last week: 7): Matapos matalo ng 2-sunod, magro-roadtrip ang Portland, simula sa Memphis kung saan talo sila kasunod ang San Antonio at New Orleans. Depende kung ano ang mangyayari sa kanilang mga susunod na laban, baka bumaba pa sila.
9. Dallas Mavericks (38-27; ranking nila last week: 10): Mabigat ang mga haharaping teams ng Dallas sa kanilang road trip na sinimulan sa Golden State kung saan natalo sila kasunod ang Utah at Oklahoma City. Ang Mavericks ay 7-11 sa road games laban sa West teams.
10. Memphis Grizzlies (37-26; ranking nila last week: 11): Ang Grizzlies ay nanalo ng pito sa kanilang huling 11-games at sila ngayon ang No. 7 sa Western Conference kasunod ang Phoenix.