MANILA, Philippines - Bumangon ang Meralco mula sa kanilang kabiguan kasabay ng pagpigil sa hangad na ikalawang sunod na ratsada ng nagdedepensang Alaska matapos kunin ang 85-76 tagumpay sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Bumawi ang Bolts mula sa kanilang kabiguan sa San Miguel Beermen upang sumulong sa 1-1 karta.
“This is really a welcome development after losing that game against San Miguel,†sabi ni head coach Ryan Gregorio. “We were able to find ways to beat the defending champions Alaska.â€
Matapos makalapit ang Alaska sa 72-78, 3:23 minuto sa fourth quarter ay sumandal ang Meralco kina import Brian Butch, Gary David at rookie Anjo Caram. Tumipa si Butch ng isang free throw kasunod ang basket ni David at three-point shot ni Caram para sa 84-72 bentahe ng Bolts sa hu-ling 2:02 minuto.
Humakot ang 6-foot-10 na si Butch, ang pinakamataas na import sa komperensya, ng 27 points, 17 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 shotblocks para sa Meralco.
Nagdagdag naman si Reynel Hugnatan ng 14 markers, 6 boards at 1 assist.
Meralco 85 - Butch 27, Hugnatan 14, David 12, Hodge 12, Caram 7, Mandani 5, Ildefonso 4, Guevarra 2, Wilson 2, Al-Hussaini 0.
Alaska 76 - Casio 19, Dozier 17, Baguio 12, Thoss 10, Manuel 6, Jazul 4, Espinas 3, Reyes 2, Abueva 2, Dela Cruz 1, Hontiveros 0.
Quarterscores: 20-12; 37-33; 61-54; 85-76.