MANILA, Philippines - Naniniwala si Barangay Ginebra rookie Greg Slaughter sa kasabihang ‘Kung sino ang nagsaing ay siya ang dapat kumain.â€
Kahapon, inihayag ng seven-foot center ang kanyang pagpaparaya na mapasama sa National pool ng Gilas Pilipinas na kakampanya sa darating na FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ayon kay Slaughter, mas karapat-dapat na mapasama sa National pool ang mga players na nagsakripisyo noong nakaraang taon.
“The thing is they started back in August I think those fellows should be the ones to go there,†wika ni Slaughter.
Si Slaughter, katulad ng mga hinugot ni head coach Chot Reyes para sa National pool na sina Paul Lee ng Rain or Shine at Jared Dil-linger ng Meralco, ay hindi miyembro ng Gilas Pilipinas na sumikwat ng silver medal sa 2013 FIBA-Asia Championships noong Agosto para makapasok sa 2014 FIBA World Cup.
Maliban sa Pilipinas, ang dalawa pang kakatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup ay ang Iran at South Korea.
Ang mga miyembro ng nasabing koponan ay sina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Jayson Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel Ocampo, Marc Pingris, Japeth Agui-lar, Junemar Fajardo at naturalized player Marcus Douthit. Si Beau Belga ay nagsilbing reserve player.