Collins binigyan uli ng 10-day contract ng Brooklyn

NEW YORK – Tatagal pa si Jason Collins sa Brooklyn Nets ng 10-araw.

Pinapirma ng Nets si Collins ng 10-day contract nitong Miyerkules at magsusuot siya ng uniporme sa pagharap ng Brooklyn sa Memphis sa kanilang sari-ling balwarte.

Si Collins ang unang umaming bading na player na naglaro sa NBA matapos pumirma ng kanyang unang 10-day contract noong Feb. 23.

Puwedeng papirmahin ng mga teams ng dala-wang 10-day contract  ang isang player bago  bigyan ng kontrata para sa kabuuan ng season kung nais nilang manatili ang player sa kanilang team.

Lumaro si Collins sa lahat ng 5-games sa kanyang pagbabalik at nagtala ng 3-points at 5-rebounds sa 36 minutong paglalaro.

Ang 13-year veteran ay lumaro sa Nets noong 2001 hanggang 2008.

 

Show comments