BOSTON – Hindi na makakalaro pa si Boston Celtics forward Gerald Wallace ngayong season matapos sumailalim sa arthroscopic surgeries sa kanyang kaliwa at kanang tuhod.
Lumaro si Wallace sa 58 games sa kanyang unang season sa Celtics bago ang operasyon nitong Martes.
Ang 13-year veteran ay nag-average ng 5.1 points at 3.7 rebounds sa 24.4 minutes matapos iwanan ang Brooklyn na bahagi ng deal na nagdala kina Paul Pierce at Kevin Garnett sa Nets.
Ang 6-foot-7 na si Wallace ay naging starter sa 16 games at nag-average ng 7.3 points, 4.3 rebounds at 33.3 minutes.
Sa naturang operasyon, inayos ang kanyang napunit na meniscus sa tuhod at nilinis ang bone spurs sa kanyang ankle o bukung-bukong.