Citizenship ni Blatche lusot sa House Committee
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng House committee on justice kahapon ang bill na naglala-yong bigyan ng Filipino citizenship si National Basketball Association (NBA) Brooklyn Nets center Andray Blatche na tutulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain sa August.
Si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang nag-motion para i-approve ang House Bill 3784 na galing kay Antipolo City Rep. Roberto Puno sa panel hearing.
Ang motion ay sinegundahan ni Northern Samar Rep. Emil Ong at ito ay ipinasa sa likod ng mahigpit na pagtutol ni 1-BAP party-list Rep. Silvestre Bello III.
“We need to rush the passage of the bill to boost our campaign in FIBA World Cup,†sabi ni Batocabe na nagsabing inaasahan niyang maaaprubahan ang bill sa second reading sa susunod na lingggo bago ang Holy Week break.
Ayon kay Batocabe, hindi na pinansin ang HB 3783, akda rin ni Puno na naglalayon namang bigyan ng Filipino citizenship si Denver Nuggets center Javale McGee dahil may balitang hindi na ito interesadong maglaro pa para sa Philippines.
Pinapayagan ng FIBA ang mga kasaling bansa na gumamit ng isang naturalized player sa torneo at ang Gilas Pilipinas ay kailangang magsumite ng kanilang final team roster sa June 30.
Kinuwestiyon ni Bello ang move ni Iloilo Rep. Niel Tupas na madaliin ang pag-aksiyon sa bill. Katuwiran niya ay kailangang magpakita muna si Blatche sa panel para malaman kung seryoso siya na maging Filipino.
- Latest