Sefolosha 4-6 weeks matetengga

OKLAHOMA CITY, Philippines -- Apat hanggang anim na linggo ang ipapahinga ni Thunder guard Thabo Sefolosha dahil sa kanyang left calf strain.

Ito ang inihayag ni Oklahoma City general manager Sam Presti bago ang laro ng Thunder laban sa Charlotte Bobcats.

Iniwan ni Sefolosha ang kanilang laro ng Memphis sa first half noong Biyernes at hindi na nagbalik.

Napabilang ang 6-foot-7 defensive stopper mula sa Switzerland sa starting five sa 55 sa 59 laro ng Oklahoma City ngayong season at nagtala ng mga averages na 6.7 points at 3.7 rebounds.

Si Perry Jones, isang 6-foot-11 forward, ang sasalo sa trabaho ni Sefolosha.

Si Sefolosha ang ikalawang starter ng Thunder na nagkaroon ng injury matapos ang All-Star break.

Si center Kendrick Perkins ay nagkaroon ng injury noong Pebrero 20 kontra sa Miami.

 

Show comments