Cebuano fighters umabante sa semis

MAASIN, Leyte –  Dinomina ng mga Cebua­no boxers ang mga laban sa quarterfinal round ng 2014 PLDT-ABAP Visayas Area Boxing Tournament dito sa Maasin Ci­ty gym.

Umiskor ng mga panalo sina junior boys pinweight (46kgs) Rimon Ra­ma at Youth boys light­weight (60kgs) Vi­cen­te Casido ng ALA Boxing Gym, habang nagtala ng ta­gumpay si Marvin Pomar ng Cebu City sa jr. boys pinweight division.

 Binigo ni Rama si Jerry Mae Pandac ng Leyte Sports Academy, 3-0, samantalang pinayukod ni Casidosi local bet Javier Alemar ng Maasin City Team A, 3-0, patungo sa semifinal round.

 Isang 3-0 panalo rin ang inilista ni Pomar kontra kay Mateo Maquiling ng Southern Leyte para umabante sa semifinals.

Dinaig naman ni Ma­asin City Team B pride Shaquel Miole si Raymart Alara ng Bago City, 3-0, sa jr. boys pinweight division.

Maglalaban sina Ra­ma at Pomar para sa gold me­dal round, habang mag­tatapat naman sina Mio­le at Romie Evale ng Ma­asin City Team A.

Awtomatikong naka­pa­sok si Evale sa quarter­finals noong Biyernes ma­tapos magkaroon ng bye.

Ang pinakamabilis na panalo ay naiposte ni Leo Domingo Napuli ng Maasin City Team B matapos pagretiruhin si Edu Kuizon ng Southern Leyte Team B bago matapos ang first round.

 

Show comments