Pacers ‘di pinaporma ang Lakers

INDIANAPOLIS - Ang Indiana ang No. 1 defensive team sa NBA. At nalaman ng Lakers na nagiging matindi rin ang opensa ng Pacers.

Naglista si Paul George ng 20 points, 7 rebounds at 6 assists, habang ang baguhang si Evan Turner at lima pang Pacers ay nagposte ng double figures para talu-nin ang Lakers, 118-98.

“We’re probably one of the deepest teams in the NBA, where one through 15 can actually really play,’’ ani Pacers guard George Hill na umiskor ng 14 points. “It shows that if we continue to move the ball and share the ball like that, it can be anybody’s night.’’

Ito ang gustong mangyari ng Indiana (43-13) nang makapagplantsa ng malaking trade bago ang deadline.

Ipinagpatuloy ni team president Larry Bird ang pagpapalakas sa Pacers ngayong season nang kunin si dating All-Star center Andrew Bynum at dinala naman si All-Star Danny Granger sa Philadelphia kapalit nina Turner at Lavoy Allen.

Tumapos si Turner na may 13 points at 6 rebounds at pinangunahan ang Pacers bench sa isang season-best na 50 points.

Ang pagkakadagdag ni Turner ang nagpalakas pa sa paghawak ng Pacers sa best record at best home record (27-3) sa NBA.

Lamang ngayon ang Indiana ng dalawang laro sa Miami para sa karera sa home-court advantage sa East.

Bukod sa produksyon nina George, Hill at Tur-ner, nakahugot din ang Indiana ng 13 points kay Lance Stephenson; 11 points at 12 rebounds kay David West; 10 points, 6 rebounds at 4 blocks kay Roy Hibbert at 11 points kay C.J. Watson.

Tumapos naman ang bagong hugot na si guard Kent Bazemore ng 23 points para sa Lakers.

Show comments