Torres gustong bumalik sa National team
MANILA, Philippines - Sinisikap ni long jumper Marestella Torres na makabalik sa kanyang dating porma.
Si Torres, isang Southeast Asian Games gold me-dallist at dating Olympian ay nagsabi na ng kanyang intensiyong bumalik sa aksiyon matapos manganak noong nakaraang buwan na siyang dahilan para magpahinga ito sa kanyang tungkulin sa National team.
Hindi siya nakasama sa Myanmar SEA Games noong Disyembre ngunit walang nakasira ng kanyang personal best na 6.71 meters.
Kailangang magbalik agad sa dating porma ang 32-gulang na si Torres para maabot ang mataas na criteria na ipinatutupad ng Asiad Task Force para makasama ang isang atleta sa National team na ipadadala sa 17th Asian Games na nakatakda sa September 19-October 4 sa Incheon, South Korea.
“She (Torres) has a lot of catching up to do, there are long jumpers that can get back to competitive form. Given the time, I am sure she will do well,†sabi ni Phl Sports Commission chair at Incheon chief of mission Richie Garcia.
Para makasama si Torres sa team, kailangan niyang makapagsumite ng oras na dapat ay pang-top eight sa Asia, base sa standard ng Task Force para sa non-subjective sports.
Matatandaang si Torres, isang World Championship veteran, ay naging fourth placer noong 2002 Asian Championships at silver medallist noong 2005 Asian Championships.
Lumaban na rin si Torres sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics at nagposte ng 6.51-meter jump noong 2009 Asian Championships bago ang kanyang 6.71 meter performance sa Palembang SEAG.
- Latest