MANILA, Philippines - Ang inaasahang makasaysayang four-peat sa UAAP women’s volleyball na lamang ang hinihintay upang pormal na itanghal ang La Salle bilang overall champion sa Season 76.
Ang volleyball na lamang ang hindi pa natatapos sa 15 sports na pinaglalaban pero ang resulta nito ay hindi na makakapagbaligtad sa muling pag-imbulog ng paaralan sa paghablot ng ikalawang sunod na overall title.
Huling titulo na iniuwi ng La Salle ay sa women’s chess upang isama sa mga kampeo-nato sa men’s at women’s basketball, women’s judo, men’s table tennis at taekwondo.
Nakalikom sa nga-yon ang La Salle ng 271 puntos mula sa 134 sa kalalakihan at 137 sa kababaihan at hindi na sila aabutan pa ng UST at UP na nasa ikalawa at ikatlong puwesto tangan ang 262 at 231 puntos.
Hindi nakapagpakita ng maganda ang UST sa volleyball at sa kabuuan ng season ay nagkaroon lamang ng kampeonato sa women’s taekwondo at poomsae events upang malaglag sa ikalawang puwesto sa pangalawang sunod na taon.
Ang Ateneo ang nasa ikaapat na puwesto sa 197 puntos ngunit ang kanilang dalawang volleyball teams ay nasa semifinals.
Pero hindi na sila papasok sa top three dahil ang sagad na tapos nila sakaling walisin ang kampeonato sa volleyball ay hanggang 227 puntos lamang.
May 15 puntos ang ibinibigay sa champion team ng isang sport habang ang tatapos sa ikala-wa hanggang ikawalong puwesto ay ginagawaran ng 12, 10, 8, 6, 4, 2 at 1 puntos.
Mas mabangis ang La Salle sa taong ito kumpara noong Season 75 dahil tumulong sa paghatid ng panalo ang men’s.