MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating PBA player at head coach Eliezer ‘Ely’ Capacio kahapon ng umaga dahil sa stroke.
Siya ay 58-anyos.
Iginiya ni Capacio ang Purefoods sa likod nina JerÂry Codiñera, Dindo Pumaren, ang kanyang nakababatang kapatid na si Glenn Capacio at ang team manaÂger ngayong si Alvin Patrimonio sa 3-2 best-of-five win laban kay Yeng Guiao at sa Sarsi sa All-Filipino FiÂnals 23 taon na ang nakararaan.
Sa kabuuan, nagtala si Capacio ng 45-48 record bilang mentor ng Purefoods sa limang PBA conference.
Nakapasok din ang Hotdogs ni Capacio sa All-FiliÂpino Finals noong 1992 ngunit natalo sa San Miguel, 2-4.
Bago ang kanyang makulay na coaching career ay naglaro si CaÂpaÂcio para sa Tanduay sa walong seasons at naglista ng mga averages na 5.9 points at 5.5 rebounds per game.
Siya ay ang alternate governor ng San Miguel Corporation sa PBA Board.