P100K pag-aagawan ng 6 kabayo sa Philracom/Philtobo race

MANILA, Philippines - Anim na kabayo ang maghahangad na makakuha ng atensyon sa bayang karerista sa pakarerang gagawin sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Ang Philracom/Philtobo Claiming Race ay gagawin sa race three sa 13 karera na nakaprograma sa mag­hapon at pag-aagawan ng mga maglalaban ang P100,000.00 premyo na mapupunta lamang sa mana­nalong kalahok.

Inilagay ang distansya sa 1,200-metro at ang mga ka­sali at ang kanilang mga hinete ay ang Priceless Joy (CV Garganta), Magical Bell (NK Calingasan), Red Flash (MA Alvarez), Director’s Diva (CS Penolio), Top Prize (JB Hernandez) at Westminster (LT Cuadra Jr.).

Lahat ng kasali ay mga three-year old horses at na­pa­paboran ang mga kabayong Priceless Joy at Westminster.

Ngunit dahil sa laki ng added prize na ibibigay sa mananalong kabayo kaya’t tiyak na inihanda ng mga connections ng ibang lahok ang mga kabayo para mag­ka­roon ng tsansang manalo.

Tampok na karera sa pagtatapos ng dalawang araw na pista sa ikatlong racing club sa bansa ay ang PCSO Freedom Cup na inilagay sa 1,600-metro at mangu­ngu­na sa tatakbo ay ang Pugad Lawin, ang 2013 Presidential Gold Cup champion.

Sinahugan ang karera ng P1.5 milyon ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang mananalo ay mag-u­uwi ng P800,000.00 gantim­pala.

Bago ang paglarga ng 13 karera ay magbi­bigay parangal mula sa Phi­­lip­pine Thoroughbred Ow­ners and Breeders’ Or­ganization (Philtobo) ang mga kabayo at mga in­dibidwal na nakatulong sa pagpapasigla sa indus­tri­ya noong nakaraang ta­on.

Nasa 15 awards ang ipa­mimigay at tampok ri­to ang Horse of the Year, Owner of the Year at Trainer of the Year.

Si Philtobo president Bienvenido Niles Jr. ang siyang mangunguna sa pagbibigay ng pagkilala na sisimulan sa ganap na alas-11 ng tanghali.

 

Show comments