MANILA, Philippines - Kumulo ang dugo ni Manny Pacquiao nang sabihin ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa media na wala na sa Filipino ring icon ang ‘killer instinct’ nito.
Sinabi ni Aplas Fernandez, sa alalay ni Pacquiao, na pagsisisihan ni Bradley ang kanyang sinabi.
Ayon kay Fernandez, ang kapatid na si Buboy ang kanang kamay ni Freddie Roach sa training ni Pacquiao, nagkamali si Bradley nang piliin nitong labanan ang tanging fighter sa kasaysayan na nanalo ng world titles sa walong dibisyon.
Sa kanilang US press tour kamakailan na inayos ng Top Rank para kina Bradley at Pacquiao para paingayin ang kanilang April 12 bout sa Las Vegas, inihayag ng defending WBO titlist na ang boksingerong kanyang inagawan ng korona ay wala nang lakas para manalo.
“Sabi ni Bradley, ayaw na ni Manny saktan ang mga kalaban niya,†wika ni Fernandez matapos samahan si Pacquiao sa isang morning jog sa General Santos City.
Idinagdag pa ni Fernandez na kung gusto ni Bradley na ipakita ni Pacquiao na hindi pa nawawala ang kanyang killer’s instinct ay makikipagsabayan ito.
Hindi problema ang stamina sa 35-anyos na si Pacquiao na palagiang naglalaro ng basketball.
Sa pagbubukas ng kanyang training camp sa General Santos City ay mas lalo pang lalakas at bibilis si Pacquiao, ayon kay Fernandez.
Ang pagiging agresi-bo sa laban ang dapat pang tutukan ni Pacquiao.
“Alam ni Manny kung paano sasagasaan si Bradley,†ani Fernandez. “Pressure at aggressiveness ang kailangan. Si Bradley, nawawala ang diskarte pagka nag-pressure ang kalaban. ‘Yan ang gagawin ni Manny.â€
Dumating na ang sparmate ni Pacquiao na si lightwelterweight Lydell Rhodes, 27-gulang, sa Manila mula sa US noong Linggo at dumiretso sa General Santos City kinabukasan. Bukod sa kay Rhodes ay may isa pang darating na kasabay ni Roach.
Nagsimula nang mag-training sa gym si Pacquiao kasama si Rhodes.