^

PM Sports

Lapaza sikat na sa Mindanao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umalis si Reimon Lapaza ng Butuan City noong nakaraang buwan na walang nakakakilala sa kanya.

Ngayon ay uuwi siya sa Mindanao bilang pina-kabagong bayani.

Tatanggap si Lapaza ng isang hero’s welcome sa kanyang pag-uwi ilang araw mula ngayon matapos gulatin ang lahat, kabilang na ang kanyang sarili, nang pagharian ang Ronda Pilipinas International 2014 na natapos noong Linggo sa Marikina City.

“We’re going home first flight on Feb. 19 and I was told a warm reception awaits Reimon (Lapaza),” sabi ni Lito Patayan, ang manager ng Cycleline-Butuan Mindanao na kinabibilangan ni Lapaza.

Sinapawan ni Lapaza ang mga bigating siklista sa kompetisyon, kabilang dito sina Mark Galedo ng 7-Eleven, Santy Barnachea ng Navy-Standard at Irish Valenzuela ng Army at ang second placer na si Frenchman Peter Pouly ng Infinite-Singha.

Nagmasid si Lapaza sa likuran nina Kiwi Jason Christie ng CCN at 7-Eleven bet Cris Joven sa mga unang bahagi ng karera at humabol kay Barnachea sa Lucena-Lucena Stage Five at dumikit kay Galedo sa Lucena-Antipolo Stage Six.

Ngunit nang pumikit si Galedo, ang second edition champion at gold medallist sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar, ay kumaripas si Lapaza at inangkin ang simbolikong leader’s jersey sa Clark-Subic penultimate Stage 13.

Tuluyan nang sinikwat ni Lapaza ang titulo at ang champion purse na P1 milyon nang mamayani sa final stage na Marikina criterium.

Hindi napabilang si Lapaza sa top 10 sa unang tatlong edisyon ng naturang annual bikathon.

Ayon kay Lapaza, ang kanyang tagumpay ay bu-nga ng pagsisikap, disiplina at determinasyon.

Idinagdag pa ni Lapaza, isang motorcycle mechanic, na si Galedo ang kanyang naging gabay.

Ayon kay Patayan, sineryoso ni Lapaza ang pagbibisikleta noong 2011 at nangarap na magkakampeon sa larangan ng cycling.

“Reimon showed us that if you work, train hard, you can realize your dreams,” ani Patayan.

Pagkatapos ng kanyang pagkapanalo, binuhat si Lapaza ng kanyang mga kasama sa Cycleline-Butuan Mindanao team na sina March McQuinn Aleonar, Tots Oledan, Vicmar Vicente, Jemico Brioso at Merculio Ramos na parang nanalo siya ng jackpot.

Bakit hindi? Nagsubi si Lapaza ng champion’s purse na nagkakahalaga ng P1 million kung saan babahagian niya ang kanyang mga kasama.

Masaya ngayon ang mga taga-Mindanao.

AYON

BUTUAN CITY

CRIS JOVEN

CYCLELINE-BUTUAN MINDANAO

FRENCHMAN PETER POULY

GALEDO

IRISH VALENZUELA

JEMICO BRIOSO

LAPAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with