Laro NGAYON
(The Arena, San Juan)
2 p.m. - UP vs UE (Women)
4 p.m - Ateneo vs FEU (Women)
MANILA, Philippines - Naisakatuparan ng La Salle ang hangad na makaaÂbanÂte sa UAAP women’s volleyball Finals nang padapain ang National University, 14-25, 26-24, 25-21, 25-20, kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Inilabas ng Lady Archers ang puso ng isang three-time defending champion sa seÂcond set nang isantabi ang pagkaÂwala ng malaking kalaÂmangan at naitabla ang set sa dalawang errors ng Lady Bulldogs bago guÂmawa ang kanilang blocÂking at mga kills gaÂling kay Abi Maraño sa sumunod na dalawang sets.
Ito ang ika-14 sunod na panalo ng La Salle patungo sa Finals bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage.
Hawak naman ng Lady Bulldogs ang ‘twice-to-beat advantage’ sa step-ladder semifinals at may magandang tsansang makarating sa Finals sa unang pagkakataon.
Tinalo naman ng sibak nang UST ang Adamson, 25-23, 25-18, 23-25, 25-15, sa unang laro.