Thunder pinabagsak ang Lakers Brooklyn bigo sa Chicago
LOS ANGELES - Ipinalasap ng Oklahoma City Thunder sa Los Angeles Lakers ang pang-pitong sunod nitong kabiguan nang kunin ang 107-103 panalo.
Tumikada si Kevin Durant ng 19 sa kanyang 43 points sa fourth quarter para sa tagumpay ng Thunder.
May 20-7 record ngayon ang Oklahoma City magmula nang mawala si second-leading scorer Russell Westbrook, hindi pa naglalaro matapos kumuha ng triple-double noong Christmas Day sa Madison Square Garden.
Si Westbrook ay nagre-recover sa arthroscopic surgery sa kanyang kanang tuhod.
Umiskor naman sina Chris Kaman at Wesley Johnson ng 19 points para sa Los Angeles at naglista si Kendall Marshall ng 14 points at 17 assists.
Naipatalo ng Lakers ang 22 sa kanilang huling 27 laro at katabla nila ngayon ang Sacramento sa ilalim sa Western Conference.
Sa Chicago, umiskor si Taj Gibson ng 16 points at nagbalik si Carlos Boozer mula sa isang injury para tumipa ng 15 markers sa 92-76 pananaig ng Chicago laban sa Brooklyn.
Hindi nakalaro si Boozer sa tatlong game ng Bulls dahil sa kanyang strained left calf.
Kumolekta naman si center si Joakim Noah ng 14 points at 13 rebounds sa kanyang pang-limang sunod na double-double para sa Chicago.
Binanderahan ni Paul Pierce ang Nets sa kanyang 15 points bago ang All-Star break.
- Latest