^

PM Sports

Surfing competition idaraos sa La Union

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pamamahalaan ng bansa ang isa sa pinakamala-king international surfing competitions sa Urbiztondo, La Union sa pagsasagawa ng ‘Beach Break: Single and Unattached.’

Inaasahang mag-aagawan para sa karangalan ang mga pangunahing Filipino surfers katapat ang mga lahok ng Japan, Korea at Indonesia para sa event na nakatakda sa Pebrero 21-22 na gagamitan ng traditional long board.

Kabuuang P200,000 premyo ang nakalatag para sa event na may tatlong kategorya --- ang men’s invitational, women’s invitational at juniors’ invitational para sa mga batang surfers na may edad na 14-anyos pababa.

Babanderahan ni champion surfer Buji Libarnes ang laban ng bansa sa event na may basbas ng Asian Surfing Championships.

“Lahat ng pinakamagagaling na men and women long boarders sa bansa at sa buong mundo will be coming over for the meet,” sabi ni Libarnes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Shakey’s Malate.

Ayon pa kay Libarnes, ang torneo ay magiging throwback sa panahon na ang ginagamit pa ay long board.

“For the past two decades already, the focus has been on the short board. So this time, we’re going back to the classic side of long board whose moves define what surfing is used to be,” ani Libarnes.

Nakasama ni Libarnes sa session na inihandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Ga-ming Corp. sina VR Del Rosario at Mike Ochosa, ang chairman at presidente ng Viva Sports Management Inc.

Sinabi ni Ochosa na nakikipag-usap na ang Viva Sports sa ilang potential na television partners para sa pagsasaere ng event sa delayed basis.

“What better way to showcase the sport than to make an event out of it. We’re doing a festival showcasing the sport together as one,” wika ni Del Rosario.

 

vuukle comment

ASIAN SURFING CHAMPIONSHIPS

BEACH BREAK

BUJI LIBARNES

DEL ROSARIO

LA UNION

LIBARNES

MIKE OCHOSA

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GA

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with