Blatche payag maglaro sa Gilas

MANILA, Philippines - Payag si Andray Blat­che ng Brooklyn Nets na katawanin ang Pilipinas para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ito ay sa kabila ng ka­walan niya ng kaalaman sa naturalization process sa bansa.

“I’m not too quite sure about anything about it,” wika ni Blatche sa New York Times report. “They brought it to my attention, and I was like, ‘Yeah, that sounds cool.’ ”

Ang 6-foot-9 na si Blat­che ang isa sa dalawang NBA players na iki­nukunsidera ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipi­nas (SBP) para gawing na­tura­lized player matapos si 7’1 JaVale McGee ng Denver Nuggets at ma­katuwang ni natura­lized center Marcus Dout­hit sa Gilas Pilipinas.

Sa 2014 FIBA World Cup ay inaasahan ring ma­kakaharap ni Blatche ang ilang NBA stars kagaya nina LeBron James ng Miami Heat, Kevin Du­rant ng Oklahoma City Thunder, Blake Griffin at Chris Paul ng Los Angeles Clippers.

“I’m looking at it from the standpoint that I can go where I’ve never been before,” wika ni Blatche. “And also it’ll give me an early head start to get ready for training camp and for the season.”

Sa kanyang paglalaro para sa Nets ngayong season, nagtatala ang 29-an­yos na si Blatche ng mga averages na 12.1 points at 6.0 rebounds per game.

Nagsumite si Antipo­lo Rep. Roberto Puno ng dalawang House bills pa­ra sa pagsisimula ng na­turali­zation process ni­na Blatche at McGee.

Si McGee ay dala­wang beses nang napano­od sa bansa sa exhibition game.

Nakamit ng Gilas Pi­lipinas ang tiket para sa 2014 FIBA World Cup matapos kunin ang silver medal sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships no­­ong Agosto.

Ang Iran at South Korea ang kakatawan rin sa Asya sa World Cup.

 

Show comments