^

PM Sports

9 fillies, 7 colts magsasagupa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na fillies at pitong colts ang nominado para magtuos sa 2nd leg ng 2014 Philracom Local Fillies/Colts race sa Pebrero sa pangunguna ng Bahay Toro ang ninombra para maglaban-laban sa 2nd leg ng 2014 Philracom Local Fillies race sa susunod na  linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Mangunguna sa hanay ng mga fillies ay ang Bahay Toro na nanalo sa 1st leg na pinaglabanan noong nakaraang buwan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Jessie Guce ang inaasahang didiskarte uli sa kabayo sa karerang gagawin sa Pebrero 15 sa isang mil-yang distansya.

Pangungunahan ng Up And Away at The Lady Wins ang hamon sa Bahay Toro matapos pumangalawa at pumangatlo sa unang leg na ginawa sa 1,500-metro distansya.

Ang iba pang kasali ay ang Willing-andable, Love Na Love, That is Mine, Winter’s Tale, Aithusa at Director’s Play.

Bagong kampeon ang lalabas sa hanay ng mga colts na magpapakitang-gilas sa Pebrero 16 sa 1,600-m race.

Ito ay dahil hindi nagpatala ang first leg champion na Low Profile kaya’t ang atensyon ay mapupunta sa King Bull na nasegunda sa unang tagisan.

Babalik din ang Castle Cat na pumangatlo sa karera habang ang River Miss, Mud Slide Slim, Wo Wo Duck, Dixie Gold at Asikaso ang kukumpleto sa magtatagisan.

May tig-P500,000.00 ang isinahog sa dalawang karerang nabanggit at ang mananalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 unang premyo habang ang papangalawa ay mayroong P112,500.00. Ang papangatlo ay may P62,500.00 premyo at P25,000.00 ang mapupunta sa papang-apat sa datingan.

Ang karerang ito na bukas para sa mga edad tatlong taong gulang ay para maihanda ang mga ito sa pagsali sa prestihiyosong 2014 Triple Crown Championship na magsisimula sa Mayo.

Ito lamang ang stakes race na paglalabanan sa buwan ng Pebrero.

Pero mas mainit ang bakbakan sa pagtungtong ng buwan ng Marso sa apat na malalaking karera na itataguyod ng Phi-lippine Racing Commission.

Tampok rito ang Commissioner’s Cup na paglalabanan sa Marso 30 sa Santa Ana Park at sinahugan ng P1.2 milyong premyo.

Sa mahirap na 1,800-metro distansya ang karera kaya’t tiyak na mapapalaban ang mga magpapatala rito.

Bubulaga sa buwang ito ang 2nd Leg ng Imported/Local Challenge Race na inilagay sa 1,750-metro distansya. Itinakda ito sa Marso 2 sa San Lazaro at ang nominasyon ng mga sasali ay sa Pebrero 18. Ang final declaration ay sa Pebrero 24 at halagang P500,000.00 ang paglalabanan sa nasabing karera. (AT)

BAHAY TORO

CASTLE CAT

CAVITE

DIXIE GOLD

KING BULL

MARSO

PEBRERO

PHILRACOM LOCAL FILLIES

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with