MANILA, Philippines - Inilunsad ang Virtual Sports Inc., ang bagong sports management agency, nitong Huwebes na dinaluhan ng kanilang mga sikat na basketbolista, atleta at ilang riders mula sa motorsports.
Asam ng Virtual Sports Inc. na magbigay ng mataas na kalidad ng sports representation. Nais nilang mabigyan ang kanilang mga kliyente ng malaking oportunidad at serbisyong mapalawig ang kanilang talento hindi lamang sa sports kundi sa iba pang larangan tulad ng business, edukasyon, media at entertainment.
“we believe our athletes can play at the highest level and at the same time, tap into their other talents,†sabi ni Virtual Sports Inc. president Dondon Monteverde. “This is more than just basketball and sports. We make sure we assists and support them in pursuing their passions.â€
Nakipagtambal si Monteverde, kilala sa entertainment at media production, sa kilalang sports agent na si Charlie Dy, ang chief executive officer ng Virtual Sports Inc. kasama ang managing directors na sina Edgar Tan at Paula Punla sa pagma-manage ng kanilang mga atleta at sports career, marketing at endorsement endeavors, public service, education at business plans.
Kabilang sa mga nasa bakuran ng Virtual Sports Inc. ay sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, James Yap ng San Mig, Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text, Jeric Teng ng Rain Or Shine at iba pang veteran PBA players.
Pinangunahan naman ni Jeron Teng mula sa UAAP champion La Salle ang mga amateur stars na kinabibilangan din nina Ray Ray Parks ng National U. Baser Amer ng San Beda at Kevin Alas ng NLEX.