Pagna-naturalize Filipino citizen sa 2 NBA players nasa Kongreso na
MANILA, Philippines - Nasa Kongreso na ngayon ang bill na nag-lalayong ma-naturalize Filipino citizen ang dalawang National Basketball Association (NBA) players para makatulong na mapalakas ang Gilas Pilipinas na sasabak sa 2014 FIBA World Cup sa Spain sa August-September.
Nilikha kamakailan ni Antipolo Rep. Robbie Puno ang House Bills 3783 at 3784 para sa naturalization nina Denver Nuggets center Javale McGee at Brooklyn Nets center Andray Blatche. Pinapayagan ng FIBA ang mga kalahok na bansa na magsalang ng isang naturalized player, ngunit sinabi ni Puno na kaila-ngang bigyan ng Congress ng Filipino citizenship ang dalawang players sakaling isa sa kanila ay magkaroon ng injury.
Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at chairman ng Gilas Pilipinas sponsor na Smart Communications, Inc. (Smart), na umaasa siyang bibigyan ng Congress sina McGee and Blatche ng pagkakataong lumaro para sa bansa. Ang Gilas ay may deadline na hanggang June 30 para magsumite ng kanilang official roster of players sa FIBA.
“We all saw what Marcus Douthit did for the Philippine team in FIBA Asia last year. McGee and Blatche can further strengthen Gilas and boost our chances in Spain,†sabi ni Pangilinan.
Ang 7-foot na si McGee, 26-gulang ay second highest sa blocked shots (193) at blocks per game (2.4) sa NBA noong 2010-2011. Ang kanyang NBA debut ay noong 2008.
Ang 27-gulang na si Blatche, 6’11â€, ay 13th sa NBA sa player efficiency rating (21.9) at sa offensive rebounding percentage (12.2). Sina McGee at Blatche ay dating teammates sa Washington.
- Latest