Perpetual puntirya ang titulo sa women’s at men’s volleyball

MANILA, Philippines - Pipilitin ng University of Perpetual Help System Dalta na tapusin ang Arellano University sa Finals ng NCAA women’s vol­leyball tournament nga­yon sa Filoil Flying V Are­na sa San Juan.

Alam ni Lady Altas’ men­tor Sammy Acaylar na hindi magiging ma­dali ang pagwalis sa Lady Chiefs sa kanilang best-of-three title series sa Game Two sa ganap na alas-11:30 ng umaga.

Maliban kay CJ Rosa­rio, ang top attacker ng liga, problema rin ng Perpetual sina hitters Danna Henson, Menchie Tubiera at Shirley Salamagos.

“Malakas ang Arellano, buo sila unlike sa amin na maraming nawala from last season,” wika ni Acaylar. “All out dapat kami, kailangan ng hardwork and focus dapat sa laro.”

Inangkin ng Lady Al­tas ang Game One mula sa isang five-set thriller, 27-29, 25-13, 25-16, 21-25, 15-9, noong Biyernes.

Hangad ng Perpetual ang ‘three-peat’.

Kumpiyansa naman si Lady Chiefs mentor Obet Javier na maitutulak nila ang Game 3 sa Huwebes.       

“Nag-relax ‘yung mga players ko, lalo na ‘yung first set. Iyong first set, pi­naghirapan namin pero ‘yung second set para ibi­nigay ninyo ng basta-basta,” wika ni Javier.

Muling tututukan ng Arellano si scoring machine Honey Royse Tubino, humataw ng 27 hits sa series opener,.

“Nandoon ‘yung maturity ni Tubino lumabas na at ‘yung championship experience ng Perpetual, nandoon eh. Ipinakita ni­la ‘yung pagiging kampeon,” wika ni Javier.       

Asam ng Altas ang ka­nilang ikaapat na sunod na men’s title sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa alas-1:30  ng ha­pon.

 

Show comments