Dooley bagong Azkals coach

MANILA, Philippines - Tulad ng ipinangako, nakahanap agad ang Phi­lip­pine Football Fede­ration (PFF) ng bagong head coach na papalit kay Hans Michael Weiss.

Si Thomas Anthony Dooley, isang Aleman na nakapaglaro sa US natio­nal team sa dalawang FI­FA World Cup, ang ki­nuha para tulungan ang paghahanda ng Azkals sa malalaking torneo kasama dito ang 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.

Naunang sinabi ni Azkals manager Dan Palami na pangangalanan ng PFF ang bagong coach sa Peb­rero at magkaroon ng sa­pat na paghahanda ang ko­ponan para sa Challenge Cup sa Mayo.

Ang 52-anyos na si Dooley ay be­te­rano ng mga liga sa Ger­many ngu­nit siya ay binigyan ng US citizenship noong 1992.

Dahil dito ay naisuot ni­ya ang uniporme ng US noong 1994 at 1998 World Cup.

Si Dooley rin ang siyang itinalaga bi­lang team skipper ng 1998 team na minalas na hin­di nanalo sa tatlong la­ro.

Show comments