MANILA, Philippines - Bubuhos ang suporta sa paghahanda ng Pambansang delegasyon para sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre matapos ianunsyo ni PSC chairman at Chief Of Mission Ricardo Garcia ang paglalaan ng P50 milyon pondo para rito.
Ang perang ito ay gagamitin para sa pagsasanay ng mga manlalarong papasok sa criteria na ginawa ng Task Force at ipinaalam sa mga kasaling National Sports Associations (NSAs) na dumalo sa pagpupulong kahapon.
“Kung ano ang gusto ng mga NSAs na training ay ibibigay natin,†wika ni Garcia na sinamahan sa pagpupulong ng mga kasapi sa Task Force na sina POC chairman Tom Carrasco Jr., tennis sec-gen Romy Magat at SBP treasurer Dr. Jay Adalem.
Papasok ang isang manlalaro sa measurable sports kung ang kanyang personal best time na naitala mula 2011 hanggang sa kalagitnaan ng 2014 ay pasok sa Top 5 sa nakalipas na Guangzhou Asian Games.
Ang mga atletang nasa subjective sports ay dapat na magpakita ng resulta ng sinalihan sa Asian o World Championships mula 2011. Top five din ang dapat na inabot ng manlalaro sa isang Asian event habang sapat na ang Top 20 pagtatapos sa world championships kung walang Asian countries na kasali.
Ang mga sports na palagiang naghahatid ng medalya sa mga nakalipas na Asian Games ay binigyan ng kaun-ting ganansya dahil sila ay agad na mabibigyan ng pagkakataon na magnombra ng mga manlalaro na sa tingin nila ay may ibubuga sa medalya sa Incheon. Ang mga inilagay sa ‘consistent medalists’ sa clustering ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa Asian Games ay ang boxing, bowling, cycling, equestrian, golf, karate, rowing, shooting, taekwondo, tennis/soft tennis at wushu.
“These are sports with track record of being consistent medalists in the Asian Games. They will be allowed to name their athletes na kahit hindi pa nananalo pero may potential na manalo ay isasama na sa team dahil alam nila ang kanilang ginagawa,†wika ni Garcia.