IOC nagbigay ng P20M para sa ‘Yolanda’ victims

MANILA, Philippines - Nagpahabol  ang In­ter­­national Olympic Com­­mittee (IOC) ng tu­long para sa mga biktima ng bag­yong ‘Yolanda’ nang ia­­nunsyo sa isinagawang Olympic Council of Asia (OCA) General As­sembly kahapon ang do­nasyon na $450,000.00 (ha­los P20 milyon).

Sa Philippine International Convention Center (PICC) ginawa ang pag­pu­pulong at si OCA presi­dent Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait ang nag­sabi nito sa harap ng mga delegado sa pangu­nguna ni IOC vice president John Coates.

Ang hakbang ng IOC ay matapos ang liham ga­ling kay IOC president Thomas Bach ng Ger­ma­ny na nagsasaad ng ka­lungkutan sa nangyari sa bansa at hangaring makabangon na agad ang mga nabiktima.

Ang pondo ay nagmu­la sa tig-$150,000.00 ga­ling sa IOC, OCA at Olym­pic Solidarity Prog­ram at gagamitin ito sa re­nobasyon sa mga pasilidad sa sports na nasira ng super typhoon.

Nagpasabi rin ang Japan Olympic Committee (JOC) ng pledge na $30,000.00 na gagamitin pa­ra sa relief operation sa mga biktima.

Ang kinatawan ng bansa sa IOC na si Mikee Co­juangco-Ja­wors­ki ang ma­­nga­­ngasiwa nito.

 

Show comments