Schrock, Maraño at Valdez bibigyan ng special award
MANILA, Philippines - Tatanggap ng special award ang daÂlawang volleyball players at isang footÂÂÂball player galing sa Philippine SportsÂwriters Association (PSA) para sa Annual Awards Night sa Enero 25 sa CenÂtennial Hall ng Manila Hotel.
Si Stephan Schrock ng Philippine AzÂÂkals at mga volleybelles na sina AbiÂÂgail Maraño at Alyssa Valdez ang taÂÂtanggap ng Mr. Football and Miss VolÂÂleyball, ayon sa pagkakasunod, sa pagÂkilala ng pinakamatandang media orÂganization sa kabuuang 123 personaÂlities at entities sa Awards Night na iniÂhahandog ng Milo at Air21 bilang maÂjor sponsor.
Ito ang unang PSA award para sa 27-anyos na si Schrock, nanguna sa paÂÂnalo ng Azkals sa 2013 Philippine Peace Cup.
Pumirma ang midfielder, ang ama ay isang German at ang ina ay isang PiÂnay, ng kontrata sa Bundesliga club na Eintracht Frankfurt sa kalagitnaan ng 2013.
Ang mga naunang hinirang na Mr. FootÂball ng PSA ay sina Chieffy Caligdong, Phil Younghusband at Ed SacaÂpaÂno.
Samantala, sina Maraño at Valdez ang unang kinilalang Miss Volleyball ng PSA sa taunang event na itinataguÂyod ng Smart Sports, Philippine Sports ComÂmission, SM Prime HolÂdings, PhiÂlippine Amusement and Gaming Corp., ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine Basketball Association, Globalport, Rain or Shine, Philippine Charity Sweepstakes Office, Accel at 3XVI at ni Senator Chiz Escudero.
Binanderahan ni Maraño ang De La Salle women’s volleyball team sa ikatÂlong sunod na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) title na tinampukan ng two-game sweep sa Ateneo sa Finals.
Ang 21-anyos na team captain ng LaÂÂdy Spikers ang kinilalang UAAP Most Valuable Player award sa ikalawang sunod na taon.
Iginiya naman ng 21-anyos na si ValÂdez ang pagsigla ng volleyball progÂram ng Ateneo at nanguna sa dalawang beÂses na pagrereyna ng koponan sa ShaÂkey’s V-League.
Sasamahan nina Schrock, Maraño at Valdez ang local sports community sa pagpaparangal sa Gilas Pilipinas bilang 2013 Athlete of the Year sa event na isasaere ng PSA partner na DZSR Sports Radio 918.
Sina pool players Rubilen Amit, DenÂnis Orcollo at Lee Van Corteza kaÂsama si taekwondo jin Mikeala Calamba ang tatanggap ng President’s Award at ang hinirang na Executive of the Year ay si Samahang Basketbol ng PiÂlipinas (SBP) president Manny V. PaÂngiÂlinan.
- Latest