WALTHAM, Mass. – Patuloy pa rin ang rehab ni Rajon Rondo at ngayon ay mangyayari ito sa live NBA games.


Inaasahang magbabalik aksiyon na ang Boston Celtics point guard na hindi pa nakakalaro sapul nang mapunit ang kanyang anterior cruciate ligament sa kanang tuhod noong Jan. 25 nitong Biyernes ng gabi.
Sinabi nina Coach Brad Stevens and general manager Danny Ainge na lalaro na si Rondo sa laban kontra sa Los Angeles Lakers kung walang magiging problema.
“I don’t think we can expect him to be the Game 7 Rajon Rondo tomorrow,’’ sabi ni Stevens bago ang practice nitong Huwebes. “This is part of the process to getting back to full-go.’’

Hindi humarap sa mga reporters si
Rondo nitong Huwebes ngunit sumabay sa kanyang mga teammates sa pagwo-work-out sa practice facility ng koponan.
Sinabi ni Stevens na posibleng lumaro si Rondo ng 18-20 minutes sa unang salang at malamang na malimitahan sa five minutes per quarter.