Crawford sa Warriors mula sa 3-team trade

OAKLAND, Calif. – Matagal nang naghahanap ang Golden State Warriors ng angkop na backup ni point guard Stephen Curry sapul nang pumirma si Jarrett Jack sa Cleveland bilang free agent noong summer.

Umasa silang si Toney Douglas ang pupuno ng butas. Ngayon ay aasa sila kay Jordan Crawford sa mas maraming produksiyon. Nakuha ng Warriors sina Crawford at reserve MarShon Brooks mula sa Boston Celtics nitong Miyerkules at ibinigay si Douglas sa Miami Heat sa three-team trade.

“I think getting a guy like Crawford allows us to rest Steph a little bit more without the fear of blowing ballgames,” pahayag ni Warriors coach Mark Jackson bago nila labanan ang Denver.

Ibinigay ng Heat ang bihirang gamiting si center Joel Anthony, dalawang draft picks at cash conside-rations sa Celtics sa trade na nagpaluwag ng salary cap ng two-time defending NBA champions at nagpalakas sa rebuilding project ng Boston. Ibinigay ng Miami sa Celtics ang kanilang 2015 protected first-round pick na nakuha nila mula sa Philadelphia at 2016 second-round pick.  Kung hindi makakapasok ang 76ers sa playoffs sa susunod na dalawang seasons, ang 2015 pick ay magiging second-round selection.

 

Show comments