Williams bumalik sa minnesota

MINNEAPOLIS  -- Bumaba si Derrick Williams ng bus at pumasok ng Target Center diretso sa locker room ng bisitang koponan.

Bago niya binuksan ang pintuan ay siniguro muna niyang nasa tama siyang lugar.

Inaasahan nang mangyayari ito kay Williams dahil sanay siyang pumasok sa locker room ng home team sa gusaling ito matapos maglaro ng 2-taon para sa Minnesota.

Bumalik si Williams  sa Minnesota nitong Miyerkules ng gabi, isang buwan at kalahati na ang nakakaraan matapos i-trade ang dating No. 2 overall pick sa Sacramento Kings kapalit ni Luc Mbah a Moute. Sa maiksing panahong ito, sinabi ni Williams na luminaw na sa kanya na mas bagay talaga siya sa Kings kaysa sa Wolves.

 

Show comments