Miami bumisita uli sa white house

WASHINGTON – Para kay President Barack Obama, ang makita ang Miami Heat sa White House nitong Martes ay parang isang  ‘déjà vu.’

Isang taon matapos batiin si LeBron James at ang kanyang mga kasama makaraang manalo ng ikalawang titulo, muling ginawa ito ni Obama at posibleng maulit na naman ito.

Muling bumisita sina James, Dwyane Wade, Chris Bosh at ang kanilang mga teammates at coaches sa White House matapos kumopo ng back-to-back title sa NBA. Tinalo nila ang San Antonio Spurs sa seven game championship series.

Si Obama ay mahilig sa basketball at paminsan-minsan ay naglalaro din.

“This group has now won twice but it’s gone to the finals three times and, sometimes, it feels like they’re still fighting for a little respect,” sabi ni Obama.

Show comments