Vogel coach ng East sa All Star game

NEW YORK – Nakuha ni Indiana Pacers coach Frank Vogel ang karapatang mag-coach ng Eastern Conference para sa NBA All-Star game sa susunod na buwan.

Umangat ang Pacers sa 30-7 matapos ang kanilang 116-92 panalo konta sa Sacramento noong Martes na sumiguro ng kanilang pagkakaroon ng best winning percentage sa East laban sa mga palabang teams.

Hindi na puwedeng mag-coach si  Erik Spoelstra ng Miami dahil nag-coach na siya noong nakaraang taon.

Ito ang unang  All-Star coaching assignment para kay Vogel sa kanyang ikaapat na season na pagmamando ng Pacers.

Ang West coach para sa Feb. 16 game sa New Orleans ay hindi pa natutukoy. Si Gregg Popovich na coach ng San Antonio na nangunguna sa West ay ineligible din.

Show comments