MANILA, Philippines - Dahil sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa world stage, tatlong pool players at isang batang taek-wondo jin ang pararangalan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night.
Sina world champions Rubilen Amit, Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, at Mikaela Calamba ang tatanggap ng 2013 recipients of the President’s Award na ibibigay sa event na nakatakda sa Enero 25 na inihahandog ng Milo sa Solaire Resort and Casino.
“Their respective triumphs are proof that Filipino athletes are truly world class. There were several others considered for the (President’s) award, but all four of them are truly deserving of it,†sabi ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.
Ang Gilas Pilipinas squad ang hinirang na PSA Athlete of the Year, ang pinakamataas na individual award na ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa, sa seremonyang idadaos katuwang ang Smart Sports, ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine Sports Commission, Accel at 3XVI, Rain or Shine, Globalport, Air21, Philippine Basketball Association, Senator Chiz Escudero, Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amusement and Gaming Corp.
Naging higante naman ang malinggit na si Amit sa 2013 Yalin Women’s World Championships na kanyang napanalunan matapos resbakan ang da-ting kampeong si Kelly Fisher ng Great Britain sa title match, 10-7, noong Nobyembre.
Siya ang naging tanging two-time champion ng torneo matapos magreyna sa inaugural event noong 2009.
Kuminang naman si Calamba sa 8th World Poomsae Championships nang pagbidahan niya ang three-gold medal romp ng bansa sa Bali, Indonesia.
Sinikwat ng Cebuana ring si Calamba ang gold medal sa female indivi-dual freestyle at nakasama nina Jocel Lyn Ninobla at Rinna Babanta para magkampeon sa under-17 team competition.
Sa London, inangkin nina Orcollo at Corteza ang korona ng World Cup of Pool. Tinalo ng Filipino pair ang Dutch tandem nina Neils Feijen at Nick Van den Berg sa finals, 10-8, para ibalik sa bansa ang titulo na sinikwat nina Efren `Bata’ Reyes at Francisco `Django’ Bustamante noong 2009.