^

PM Sports

NLEX Road Warrios lusot sa Wang’s Basketball

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-init si Garvo Lanete sa huling yugto at ang NLEX Road Warriors ay nakatakas sa naunang ma-lakas na hamon ng Wang’s Basketball tungo sa 96-80 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May 13 sa 24 puntos sa laro si Lanete sa huling yugto para pagningasin ang 29 puntos na kinamada ng Road Warriors sa huling 10 minuto ng tagisan at iangat ang baraha sa 5-1.

“Wangs played a good game. They obviously prepared well against us. But the guys just don’t want to lose and played well in the fourth period,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez na bumangon mula sa 36-46 iskor sa ikalawang yugto.

Lamang lang ng isa ang Road Warriors, 67-66, nang buksan ni Ronald Pascual ang iskoring sa huling yugto taglay ang limang sunod na puntos para ilayo sa 72-66 ang koponan.

Ipinagpatuloy ni Lanete ang malakas na opensa sa ibinagsak na 12 puntos sa 21-10 palitan para ipatikim sa NLEX ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 17 puntos, 93-76.

Ang panalo ay magagamit ng NLEX na tungtungan bago harapin ang nagpapasikat na Jumbo Plastic bukas.

Si Michael Juico ay mayroong 27 puntos para sa Couriers na bumaba sa 4-7 baraha.

Inangkin naman ng Cebuana Lhuillier ang ikatlong panalo sa pitong laro sa 95-86 pananaig sa Zambales M-Builders sa unang laro.

May 28 puntos si Roi Sumang habang sina James Martinez, Riego Gamalinda, Chris Javier at Paul Zamar ay naghatid pa ng 16, 13, 12 at 10 puntos para sa nanalong koponan.

May 6-laro pa ang Gems ay kailangan nilang maipanalo at karamihan dito para tumibay ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinals.

BOYET FERNANDEZ

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS JAVIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

GARVO LANETE

JAMES MARTINEZ

JUMBO PLASTIC

PAUL ZAMAR

PUNTOS

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with