Casey, Hornacek Coaches of the month

NEW YORK – Napili sina Dwane Casey ng Toronto Raptors at Jeff Hornacek  ng Phoenix Suns bilang NBA Eastern at Western Conference Coaches of the Month, ayon sa pagkakasunod, para sa buwan ng December.

Inihatid ni Casey ang Raptors sa 8-6 (.571) record, kabilang ang road wins kontra sa Dallas Mavericks at Oklahoma City Thunder. Ang anim na road wins ng Toronto ay nakatabla sa best record sa isang confe-rence noong December.

Si Maurice Cheeks ang nanguna sa Detroit Pistons sa kanilang anim na road wins.

Ang Raptors ay may limang  players na naka-double-digit scoring averages sa isang buwan at isinara ang December sa pagpanalo ng pito sa kanilang huling 9-games.

Minando naman ni Hornacek ang Suns sa 10-3 (.769) record, kabilang ang mga panalo sa Mave-ricks, Golden State Warriors, Houston Rockets at Los Angeles Clippers. Nagtala ang Phoenix ng five-game winning streak noong Dec. 4-15, ang pinakamahabang winning streak ng Suns sapul noong January, 2011. Nakalampas sa 100-points ang Suns, No. 8 sa NBA scoring sa 103.7 ppg, sa 10 sa kanilang huling 11-games noong December.

Show comments