Farmar nagtamo uli ng injury sa hamstring

EL SEGUNDO, Calif. - Mawawala si Los Angeles Lakers guard Jordan Farmar ng hindi bababa sa apat na linggo dahil sa muling pagkakapunit ng kaliwang hamstring.

Inihayag ito ng puro injury na Lakers nitong Miyerkules.

Natengga si  Farmar ng 3 1/2 weeks matapos mapunit ang left hamstring noong Dec. 1. Naulit ito sa pagkatalo ng Lakers sa sariling balwarte laban sa NBA-worst team na Milwaukee noong Martes ng gabi.

Nakita sa ultrasound test na napunit uli ni Farmar ang kanyang hamstring ngunit sa ibang bahagi naman ito.

Hindi na naaasahan ng Lakers sina Kobe Bryant, Xavier Henry at tatlong  point guards na sina Steve Nash, Steve Blake at Farmar.

Show comments