^

PM Sports

Baseball at softball associations pagsasamahin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ng kanilang mga international counterparts, inaasahang magkakaroon din ng ‘merger’ ang baseball at softball associations dito sa ating bansa.

“Because the world has done it, that possibility is being looked at here in our country,” sabi kahapon ni Phl softball operations manager Ismael Veloso III.

Idinagdag pa ni Veloso na handa si Cebuana Lhuillier owner Jean Henri Lhuillier na tanggapin ang panukala, ngunit wala pang pahayag ang baseball dahil ito ay kasalukuyang nasa transitory period matapos ang pagkamatay ng pangulo ng asosasyon na si Hector Navasero.

Namatay si Navasero sa edad na 78-anyos noong Oktubre 1 dahil sa sakit sa puso.

Sa ilalim ng pamamahala ni Navasero sa Phi-lippine Amateur Baseball Association (PABA) ay dinomina ng bansa ang Southeast Asian region at siya rin ang responsable sa pagka-kabilang ng baseball sa Southeast Asian Games simula noong 2005.

“It will still depend on what will happen with baseball,” ani Veloso, bahagi ng transitory group na tumutulong na maplantsa ang leadership issue sa baseball na kinakatawan ngayon ng Titans group.

“As far as I know, the baseball leadership is yet to be settled because it has been agreed upon in the last meeting with the Philippine Olympic Committee to come up with the constitution and by-laws first before co-ming up with an election,” dagdag pa nito.

Si Eli Baradas, ang PABA executive vice president at commissioner, ang siyang acting president ngayon habang wala pang naihahalal na bagong pangulo.

Noong Abril ay niratepika ng international baseball at ng softball federations ang isang joint constitution na opisyal na nagtatag sa World Baseball Softball Confederation at naghahangad na makabalik sa Olympics sa 2020.

Ang dalawang sports ay napatalsik sa Olympic program noong 2005 at  marami ang umaasang   makakabalik na sa quad-rennial meet.

vuukle comment

AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

BASEBALL

CEBUANA LHUILLIER

HECTOR NAVASERO

ISMAEL VELOSO

JEAN HENRI LHUILLIER

NAVASERO

NOONG ABRIL

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with