MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni PSC chairman Ricardo Garcia na maaayos na ang pag-a-amyenda sa Republic Act 9064 o Incentives Act sa pagpasok ng taong 2014.
Ang pag-upo ni Davao del Norte 1st District Congressman Antonio Del Rosario bilang chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang siyang naglakas sa pagpapasa ng pinalakas na Incentives Act.
“It’s now moving fast under the leadership of Congressman Del Rosario,†wika ni Garcia.
Maraming bills ang naka-pending para pa-lakasin ang RA 9064 na tiyak na ikagaganda ng estado ng pambansang atleta.
Kasama sa nakabinbin ay ang pagpapataas sa insentibong ibibigay sa mga mananalo ng medalya sa Asian Games at Olympics.
Balak itaas ng 25 percent ang ibibigay na insentibo sa mga Asian Games medalists habang 50 percent ang idaragdag sa mga mananalo sa Olympics.
Sa kasalukuyan, ang Asian Games gold medalist ay mag-uuwi ng P1 milyon, ang silver medalist ay may P500,000.00 habang ang bronze medalist ay may P100,000.00.
Sa kabilang banda, P5 milyon, P2.5 milyon at P1 milyon ang pabuya sa gold, silver at bronze medalists sa Olympics.
Wala pang nananalo ng ginto sa Olympics sa hanay ng pambansang manlalaro kaya’t ang dagdag insentibo kung papasa sa susunod na taon ay tiyak na magtutulak sa mga manlalaro na magsanay pa upang masungkit ang mailap na ginto sa Rio de Janeiro, Brazil Games.
“Sinabi ni Congressman Del Rosario na aapurahin nila ang mga naka-pending bills para matapos na ito sa 2014. I guess na-realize ng Kongreso na we really need funding for the athletes,†dagdag ni Garcia.