^

PM Sports

Naghahanda na ang wushu para sa 2014

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong ginto, tatlong silver at isang bronze medals na produksiyon sa 27th Southeast Asian Games, hangad ng mga Filipino wushu artists na ipagpatuloy ang kanilang pagtatagumpay sa mas malalaking kompetisyon sa 2014, kabilang na rito ang Asian Games sa Incheon, Korea.

Sinabi ni Wushu Federation Philippines president Tan She Ling at secretary general Julian Camacho na may planong ipadala ang mga pambatong wushu athletes ng bansa sa China para magsanay ng anim na buwan bilang paghahanda sa Asiad sa September.

“The Asian Games is up next year and our challenge is to prepare for it and bring honor to the country,” sabi ni Camacho sa wushu awards night noong Biyernes.

 â€œWe’ll try our best, work harder in promoting wushu, particularly in the mainstream. Hopefully we’ll win more medals in the coming tournaments,” sabi naman ni Tan.

Ang mga medalist sa 2013 SEAG na pinangunahan ni Daniel Parantac, Dembert Arcita at Jessie Aligaga at  world titlist Benjie Rivera ang mga tumanggap ng certificates of recognition at bonuses dahil sa kanilang ipinakita para sa taong 2013.

Pinarangalan din ang mga nag-uwi ng medalya mula sa Asian Junior Wushu Championships.

Ang wushu ay may isang bronze medal na hatid ni Mark Eddiva sa nakaraang Asiad sa Guangzhou, China.

Ang mga batang wushu bets ay sasabak sa world junior championships sa Turkey na magsisilbing qua-lifying event para sa 2014 Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Ang wushu ay demonstration event,  tulad ng ginawa sa Chinese noong Beijing Olympic Games.

Nasa kalendaryo din ng wushu federation na lalahukan ang world traditional wushu championships at ang Sanda World Cup.

ASIAD

ASIAN GAMES

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIPS

BEIJING OLYMPIC GAMES

BENJIE RIVERA

DANIEL PARANTAC

DEMBERT ARCITA

JESSIE ALIGAGA

JULIAN CAMACHO

WUSHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with