Miami Heat giniba ang Sacramento Kings

MIAMI -- Kahit na ma­ganda ang inilaro ng Sac­ramento Kings ay naging ma­liit pa rin ang kanilang tsan­sang manalo laban sa Mia­mi Heat.

Tinalo ng Heat ang Kings, 122-103, tampok ang 25 points ni Chris Bosh, 20 ni Dwyane Wade at 18 ni LeBron James.

Nagtala din si James ng 8 assists at 6 rebounds at hindi na ginamit pa sa fourth quarter para sa Mia­mi, naipanalo ang kanilang huling apat na laro at 18 sa kanilang 19 pag­ta­tapat ng Kings.

Nagdagdag si Ray Allen ng 18 markers at may 16 si Ma­rio Chalmers para sa Miami.

“I think we’re picking and choosing our spots pretty good right now,’’ ani Bosh. “We’re doing a really good job of seeing where we can be aggressive and it’s wor­king out. If we can continue to pick and choose our spots, keep moving the ball like normal, then things will work out.’’

Binanderahan naman ni DeMarcus Cousins ang Sac­ramento sa kanyang 27 points at 8 rebounds.

Nag-ambag si Ben Mc­Lemore ng 20 markers para sa Kings.

Sa Indianapolis, umiskor si Paul George ng 24 points, ha­bang naglista si Lance Stephenson ng 16 points at 6 assists para pa­­munuan ang Pacers sa 114-81 paggiba sa Houston Roc­kets.

Sa Los Angeles, umiskor si Xavier Henry ng 21 points para tulungan ang La­kers sa 104-91 paggupo sa bisitang Minnesota Timberwolves.

Naglaro ang Lakers na wala ang 15-time All-Star guard na si Kobe Bryant, halos anim na linggong ipa­pahinga ang kanyang in­jured left knee.

Sa Philadelphia, nagposte si Evan Turner ng 29 points para pamunuan ang 76ers sa 121-120 overtime win sa Brooklyn Nets.

Show comments