Miami Heat giniba ang Sacramento Kings
MIAMI -- Kahit na maÂganda ang inilaro ng SacÂramento Kings ay naging maÂliit pa rin ang kanilang tsanÂsang manalo laban sa MiaÂmi Heat.
Tinalo ng Heat ang Kings, 122-103, tampok ang 25 points ni Chris Bosh, 20 ni Dwyane Wade at 18 ni LeBron James.
Nagtala din si James ng 8 assists at 6 rebounds at hindi na ginamit pa sa fourth quarter para sa MiaÂmi, naipanalo ang kanilang huling apat na laro at 18 sa kanilang 19 pagÂtaÂtapat ng Kings.
Nagdagdag si Ray Allen ng 18 markers at may 16 si MaÂrio Chalmers para sa Miami.
“I think we’re picking and choosing our spots pretty good right now,’’ ani Bosh. “We’re doing a really good job of seeing where we can be aggressive and it’s worÂking out. If we can continue to pick and choose our spots, keep moving the ball like normal, then things will work out.’’
Binanderahan naman ni DeMarcus Cousins ang SacÂramento sa kanyang 27 points at 8 rebounds.
Nag-ambag si Ben McÂLemore ng 20 markers para sa Kings.
Sa Indianapolis, umiskor si Paul George ng 24 points, haÂbang naglista si Lance Stephenson ng 16 points at 6 assists para paÂÂmunuan ang Pacers sa 114-81 paggiba sa Houston RocÂkets.
Sa Los Angeles, umiskor si Xavier Henry ng 21 points para tulungan ang LaÂkers sa 104-91 paggupo sa bisitang Minnesota Timberwolves.
Naglaro ang Lakers na wala ang 15-time All-Star guard na si Kobe Bryant, halos anim na linggong ipaÂpahinga ang kanyang inÂjured left knee.
Sa Philadelphia, nagposte si Evan Turner ng 29 points para pamunuan ang 76ers sa 121-120 overtime win sa Brooklyn Nets.
- Latest