TMS-Army vs Cignal sa PSL Grand Prix finals ngayon

Laro NGAYON

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

 11:30 am --- PLDT-My DSL

 vs Systema (men’s finals)

1:30 pm --- TMS-Army

vs Cignal (women’s finals)

 

MANILA, Philippines - Magkukrus uli ang landas ng TMS-Army at Cignal ngayon upang paglabanan ang kampeo-nato sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s volleyball na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikalawang sunod na conference sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation na maglalaban ang Lady Troopers at HD Spikers at napapaboran ang una dahil tinalo nila ang huli sa Invitational Conference.

Ikalawang laro ang nasabing bakbakan at magsisimula matapos ang tagisan ng PLDT-MyDSL at Systema sa cham-pionship game sa men’s division sa ganap na ika-11:30 ng umaga.

“May advantage kami sa kanila pero hindi dapat kami maging kumpiyansa,” wika ni TMS coach Rico de Guzman.

Nasa koponan pa rin ang mahuhusay na locals na sina Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse, Jacqueline Alarca at Tina Salak at nadagdagan pa ang kanilang puwersa ng pagpasok ng masisipag na imports sa pangu-nguna ni Luangtonglang Wanitchaya ng Thailand.

Hindi naman pasisindak ang HD Spikers na ipi-nakita ang kahandaan na bawian ang Lady Troopers sa ligang may suporta pa ng Mikasa, Asics, LGR, Junling Sports at Solar Sports matapos patalsikin ang top seed na PLDT-MyDSL sa semifinals, 17-25, 25-22, 21-25, 27-25, 16-14.

Show comments