2 karerista naging milyonaryo

MANILA, Philippines - Magandang pamasko ang nangyari sa dalawang karerista na nakiisa sa programang inihanda ng MetroTurf  noong Linggo nang maging milyonaryo ang mga ito sa dalawa sa tatlong Winner-Take-All na pinaglabanan sa Malvar, Batangas.

Ito ang unang pagkakataon na dalawang mananaya ang nanalo ng mahigit na milyong-pisong dibidendo na itinaya sa WTA at ang ipi-namahagi sa unang WTA ay nasa P1,203,144.20 habang ang 2nd WTA ay nagpamahagi ng P1,176,396.80.

Ang nagpahirap sa bayang-karerista ay ang pagkapanalo ng So Endearing sa race 5 na siya ring lumabas bilang long shot sa araw na ito.

Sa 2YO Special Han-dicap race sa 1,400-me-tro naglaban ang apat na kabayo at bumangon ang So Endearing mula sa pagkakabugaw sa alisan sa pamamagitan ng ma-lakas na pagremate para talunin ang isa sa napaborang Mabsoy.

Umuna ang Tellmamailbelate ni JAA Guce pero bumigay ito nang makahabol ang So Endearing na diniskartehan ni JPA Guce.

Nagkahalaga ang win ng P82.50 habang ang 2-3 forecast ay nasa P239.50.

Ang iba pang dehadong kuminang sa first set ng WTA ay ang Dandino sa race three at Ninangmil sa race seven.

Si SG Vacal ang hinete ng Dandino na tinalo ang Escolta sa 1,000-metro class division 1 race habang ang Ninangmil na hawak ni JB Cordero ay nanaig sa Zininner sa Handicap race 1A sa 1,000-metro karera.

Show comments