TMS-Army kontra Cignal para sa Finals ng PSL

LARO SA MIYERKULES

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. RC Cola vs Petron

4 p.m. Cagayan Valley vs PLDT MyDSL

 

 

MANILA, Philippines - Bumalik sa championship round ang TMS-Army nang  kalusin ang Cagayan Val­ley, 25-15, 25-20, 25-17, sa semifinals ng Philippine Super Li­ga Volleyball Grand Prix kahapon sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City.

Pero ang panalong ito ay tinabunan ng upset na ginawa ng Cignal nang patalsikin ang naunang nama­yagpag na PLDT-MyDSL, 17-25, 25-22, 21-25, 27-25, 16-14, sa ikalawang laro.

Inilabas ni Li Zhanzhan ang pinakamabangis na la­ro para sa HD Spikers sa kinamadang 27 hits at ang koponan ay nakitaan din ng tibay ng loob nang kunin ang huling dalawang puntos matapos ang 14-all score sa ikalima at huling set papasok sa Finals.

Nakabuti para sa Cignal ang dagdag na laro laban sa Petron sa quarterfinals da­hil mas nakondisyon ang koponan kumpara sa Speed Boosters na napahi­nga matapos dumiretso sa semifinals sa pamamagitan ng 5-0 sweep sa classification round.

Si Savannah Noyes ay may 26 puntos para sa tropa ni coach Roger Gorayeb na haharapin ang Cagayan Valley para sa ikatlong puwesto sa Miyerkules.

May 12 kills patungo sa 13 hits si Thai import Luang­tonglang Wanitchaya pe­ro hindi niya sinolo ang pagdala sa Lady Tro­o­pers dahil nariyan sina Jovelyn Gonzaga at Rachelle Ann Daquis na gu­mawa ng tig-11 hits.

 

Show comments