Hagdang Bato paborito sa Presidential Gold Cup
MANILA, Philippines - Aasintahin ng Hagdang Bato ang panalo sa piÂnakamalaking karera ng taÂon sa pagtakbo sa 41st PCSO Presidential Gold Cup ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May siyam na iba pang kabayo ang makakasuÂkatan ng Hagdang Bato at kung sakaling manalo pa ang kabayo, hindi malaÂyong kilalanin muli ito bilang Horse of the Year sa ikaÂlawang sunod na taon.
Pinakamalaking pakaÂrera ito sa taon dahil nasa P4 milyon na ang premÂyong maiuuwi ng manaÂnalong kabayo at ng horse owÂner.
Ang papangalawa ay may P1 milÂyon, habang P500,000.00 ang papaÂngatlo at P300Â,Â000.00 ang paÂpang-apat.
Ang hahamon sa HagÂdang Bato na sasakÂyan ni JoÂnathan HerÂnandez ay ang Sulong Pinoy (CM PiÂlapil), BaÂsic Instinct (JA GuÂce), DiÂvine Eagle (MA Alvarez), Pugad Lawin (PR DiÂlema), Royal JeÂwels (DH BorÂbe Jr), My Champ (FM Raquel Jr), Spring Collection (JB GuÂce), Boss Jaden (JB BaÂcaycay) at Arriba Amor (LD Balboa).
- Latest