Jeremy Lin nagkaroon ng sprained injury
Los Angeles - Dalawang linggong hindi makakapagÂlaro si point guard Houston Rockets guard Jeremy Lin dahil sa pagkakaroon ng sprained right knee.
Sa kanilang Twitter feed, inihayag ng Rockets na nasaktan si Lin sa first quarter sa 113-84 panalo laban sa Atlanta Hawks noong Miyerkules.
Si Lin, isang Taiwanese-American na naging NBA sensation bilang isang New York Knicks reserve na sumikat noong 2011-2012 season, ang pumalit sa may injury ding si James Harden.
Umaasa ang Rockets na makakabalik si Harden.
Sa kanyang 16 laro ngayong season, nagtala si Lin ng averages na 15.3 points at 4.5 assists.
- Latest