^

PM Sports

Pinoy Pride XXIII: Pacquiao at Donaire inspirasyon nina Nietes at Sabillo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pressure kungdi inspirasyon ang epek-to ng mga panalo nina Manny Pacquiao at Nonito Donaire Jr. para kina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Merlito ‘Tiger’ Sabillo na magdedepensa ng hawak na titulo bukas ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Hindi makaka-pressure ang mga panalo nina Pacquiao at Donaire sa amin kungdi makakadagdag gana sa amin para ibigay ang lahat at maging maganda ang resulta ng laban namin,” wika ni Sabillo sa press conference ng Pinoy Pride XXIII kahapon sa Gloria Maris sa Gateway, Cubao, Quezon City.

Haharap sa mandatory title defense si Sabillo laban sa walang talong si Carlos ‘Chocorroncito’ Buitrago ng Nicaragua sa suot na WBO minimumweight title habang si Nietes ay haharap kay Mexican Sammy ‘Guty’ Gutierrez para sa kanyang WBO light flyweight title.

Matatandaan na sina Donaire at Pacquiao ay nakabangon mula sa pagkatalo nang patulugin ni Donaire si Vic Darchinyan sa ninth round noong Nobyembre 9 habang si Pacquiao ay umiskor ng unanimous decision win laban sa bata at mas malaking Brandon Rios noong Nob.  24.

“Natutunan ko sa pa-nalo ni Manny ang ipaglaban ang karangalan natin. Siyempre, ginawa ko ang lahat at dapat maipakita sa tao ang magandang resulta sa laban. Nag-train hard tayo at go for knockout ako,” sabi pa ni Nietes.

Handa ring patulugin ni Sabillo si Buitrago kung may pagkakataon pero kung wala ay sisikaping daanin sa puntos tulad ng ginawa ni Pacquiao.

“Natutunan ko na dapat gamitin din ang isip sa pagsasanay at sa laban. Andoon din dapat ang pasen-sya. Pero kung  may pagkakataon (KO), talagang iyan ang gagawin ng isang boxer,” dagdag ni Sabillo.

Masusing nakinig naman sina Gutierrez at Bui-trago sa mga pananalita ng mga makakalabang Filipino world champions at nang mabigyan ng pagkakataon na makapagsalita ay ipinagdiinan ang kanilang kahandaan na agawin ang mga titulo.

“I am being treated well. He is a great champion but I am determined to bring home the title,” tugon ni Gutierrrez sa pamamagitan ng interpreter.

“Sabillo is a nice guy, but I am an interim champion and absolutely want to win the legitimate title. I came to win and confident to leave this country with the title,” pahayag naman ni Buitrago.

May dalawa pang WBO international championships ang paglalaban sa pa-boxing na handog ng ALA Boxing Promotions katuwang ang ABS-CBN.

Si Milan Melindo ay magdedepensa ng WBO international flyweight title  kay Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico habang ang WBO International light welterweight king  na si Jason Pagara ay susukatin ang husay ni Vladimir Baez ng Dominican Republic.

Ang weigh-in ay gagawin ngayong ika-12 ng tanghali sa Robinson’s Galleria.

 

BOXING PROMOTIONS

BRANDON RIOS

BUITRAGO

DOMINICAN REPUBLIC

DONAIRE

GLORIA MARIS

NIETES

PACQUIAO

SABILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with