^

PM Sports

Bryant 2 yrs. pa sa Lakers Miami iginupo ang Phoenix

Pang-masa

EL SEGUNDO, Calif. – Bagama’t hindi pa alam kung kailan magbabalik aksiyon sa  kasalukuyang NBA season, pinapirma ng Los Angeles Lakers si  Kobe Bryant ng two-year contract extension nitong Lunes para masiguro ng fourth-leading scorer ng NBA history na aabot siya ng 20 season sa franchise.

Nagrerekober pa si Bryant mula sa naope-rahang Achilles tendon noong April ngunit nagmadali na ang Lakers na dugtungan ang kanilang pagsasama ng five-time NBA champion bago pa man sumapit ang free agency market sa susunod na summer.

Pinirmahan ni Bryant ang deal kasama sina owner Jim Buss at general manager Mitch Kupchak sa opisina ng kanyang agent na si Rob Pelinka bago umalis ang Lakers para sa East Coast road trip.

Agad nag-tweet ang 35-gulang na guard ng kanyang pagpirma ng kontrata na may hashtag na Laker4Life.

“This is a very happy day for Lakers fans and for the Lakers organization,’’ sabi ni Kupchak sa statement. “We’ve said all along that our priority and hope was to have Kobe finish his career as a Laker, and this should ensure that that happens.’’

Walang sinabing detalye ang  Lakers tungkol sa terms ng kasunduan ngunit sinasabing $48.5 milyon ang pinirmahang kontrata ni Bryant para maging highest paid player ng liga para sa susunod na dalawang season.

Sa Miami, higit na naging epektibo si LeBron James at maagang umatake si Dwayne Wade para ipagpatuloy ang pananalasa ng Miami.

Umiskor si  James ng 35 points sa 14 tira, nagdag-dag si Wade ng 21 points at 12 assists para sa ikapitong sunod na panalo ng Heat na tumalo sa Phoenix Suns, 107-92 nitong Lunes ng gabi.

Nanalo naman ang Indiana sa Minnesota, 98-84 para umangat sa 13-1, iginupo ng Boston ang Charlotte 96-86, dinimolisa ng Detroit ang Milwaukee, 113-94, iginupo ng Houston ang Memphis, 93-86, pinabagsak ng Denver ang Dallas, 110-96, inilampaso ng San Antonio ang New Orleans, 112-92, pinasadsad ng Portland ang New York, 102-91 at tinakasan ng Utah ang Chicago, 89-83.

“The 12 assists was all my teammates, catching the ball, finishing,” sabi ni Wade matapos magtala ng kanyang highest assist total sapul noong March 22, 2010.

BRYANT

DWAYNE WADE

EAST COAST

JIM BUSS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MITCH KUPCHAK

NEW ORLEANS

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with