^

PM Sports

May tip si Alvarado para kay Manny

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kay slugger Bran­don Rios ngayong umaga sa Macau, China, haha­rap ang Filipino boxing superstar sa isang boksingerong may isa lamang kabiguan.

At ang naturang pagkatalo ay nanggaling kay Mike Al­varado ng Denver, Colorado.

Kaya alam ni Alvarado at ng kanyang trainer na si Shann Vilhauer kung ano ang dapat gawin ni Pacquiao para talunin si Rios.

Tinalo ni Alvarado si Rios via unanimous decision sa kanilang rematch noong Marso.

Iyon ang unang career loss ng 27-anyos na si Rios, ipi­nalasap din kay Alvarado ang kauna-unahan nitong kabiguan noong 2012.

“The important thing is to keep that strong mental (attitude),” wika ni Alvarado kung paano dapat laba­nan ni Pacquiao si Rios.

“Of not giving in to his style, not giving in to going to war with him, giving in to a slugfest. Rios did that with us in the first fight and it gave him more of an op­por­tunity to land that big shot,” dagdag pa nito.

Nagmula si Alvarado sa isang 10th-round technical knockout loss kay Ruslan Provodnikov noong nakaraang buwan.

Nakaharap ni Alvarado ang Russian na si Provodnikov, dating spar­mate ni Pacquiao, sa Colorado matapos makuha ni Rios ang laban kay Pacquiao.

Si Rios ay isang kilalang hard-hitting slugger at isa ring underrated boxer, ayon kay Vilhauer.

“Brandon’s a better boxer than people give him cre­dit for,” ani Vilhauer. “Problem is, he’s a Pacquiao-le­vel fighter, but not a Pacquiao-level boxer. Pacquiao is that good.”

“Still, Rios will get to Pacquiao. At some point, Bran­don will touch him. He’ll walk him into hard shots,” sabi pa ng trainer ni Alvarado.

 

ALVARADO

MIKE AL

PACQUIAO

RIOS

RUSLAN PROVODNIKOV

SHANN VILHAUER

SHY

SI RIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with